PNP, muling magsasagawa ng review sa kaso laban kay Julian Ongpin

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pag-review sa kaso laban kay Julian Ongpin na anak ni business tycoon na si Roberto Ongpin.

Ito ay matapos ibasura ang kaso ng Regional Trial Court (RTC) sa La Union dahil sa kakulangan ng probable cause.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, muli nilang babalikan ang kaso at sisiyasatin.


Kapag napatunayang nagkaroon ng lapses sa mga imbestigador at custodian ng ebidensiya, tiniyak ni Carlos ang pagpapanagot sa mga ito.

Matatandaang nakaraang buwan nang sinampahan si Ongpin ng non-bailable drug case matapos makuha ang 12.6 gramo ng cocaine at idinadawit din sa pagpatay sa kaniyang kasintahan na si Bree Jonson.

Facebook Comments