PNP, muling nagbabala sa publiko laban sa mga Investment scam

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na tutukan nila ang mga nasa likod ng ibat-ibang uri ng pananamantala at panloloko.

Pahayag ito ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar, matapos ang pagkaka-aresto sa mag-asawang miyembro ng KAPA Community Ministry International na itinuturong nasa likod ng malawakang investment scam.

Ayon kay Eleazar, walang puwang sa lipunan ang ganitong uri ng mga panloloko sa kapwa lalo pa at nasa gitna ang bansa ng matinding krisis dahil sa COVID-19 pandemic.


Batay sa impormasyong nakarating sa Camp Crame, naaresto ang mag-asawang sina Samson at Analita Amores, na ika-lima at ika-anim sa wanted list ng Butuan City Police Office sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng korte.

Una nang naaresto ang founder ng KAPA na si Joel Apolinario, kasama ang 23 iba pa na nagresulta pa sa mainit na bakbakan sa pagitan ng mga pulis at ng mga miyembro ng KAPA na pawang mga armado.

Kaugnay nito, payo ni PNP Chief, ang publiko na huwag maniniwala sa mga “too good to be true” na mga pangakong malaking tubo mula sa pinaghirapang kita para lang makaraos sa buhay.

Facebook Comments