Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng mga pulis na na-isyuhan ng body camera na dapat gamitin ang mga ito sa kanilang operasyon.
Ito’y matapos matuklasan sa imbestigasyon na isa sa mga pulis na kasama sa operasyon sa Navotas city kung saan nabaril at napatay si Jemboy Baltazar ay may body camera pero hindi ito ginamit.
Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Red Maranan, hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng naturang pulis na namatay ang baterya nito, dahil tungkulin aniya ng mga pulis na siguraduhing fully charged ang mga inisyu sa kanilang body camera.
Sinabi pa ni Marananan na maswerte nga ito dahil mayruon syang body cam.
Aniya, hindi kasi lahat ng mga pulis ay na-isyuhan ng body camera dahil limitado lang sa 2,700 ang nabili ng PNP.
Ani Maranan, sinimulan na ang procurement process para sa karagdagang 45,000 body camera na inaasahang makukumpleto sa mga susunod na taon.