PNP, muling nagpatupad ng balasahan sa kanilang hanay

Muli na namang nagkaroon ng rigodon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pinakabagong unit reassignment na pirmado ni Director for Personnel and Records Management Police Major General Robert Rodriguez, 11 opisyal ang sakop ng balasahan kabilang dito ang limang brigadier general at anim ang colonel.

Kasama sa tinaaman ng palitan sa pwesto sina:


Police BGen Roderick Mariano na itinalagang acting Director ng Southern Police District

Police BGen. Nicolas Salvador na ginawang acting Director for Plans ng PNP

Police BGen. Ponce Peñones Jr., na inilipat bilang Acting Chief ng Legislative Affairs Center ng Directorate for Plans.

Police BGen. Rizalito Gapas na itinalaga bilang acting District Director ng Northern Police District at Police BGen. Kirby Kraft na ginawang acting Regional Director ng CARAGA.

Epektibo ang balasahan kahapon, July 17, 2023.

Facebook Comments