PNP, muling pinaalalahanan ang publiko na isang krimen ang pagpapakalat ng bomb threat

Nagpaalala ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na iwasan ang pagpapakalat ng mga fake news na posibleng magresulta ng gulo o panic ng publiko.

Ito ang babala ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. matapos ang nangyaring bomb threat sa MRT station nuong isang linggo.

Ayon kay Acorda sa ilalim ng Presidential Decree 1727 ang malisyosong pagpapakalat ng maling impormasyon o bomb threat ay maaaring patawan ng 5 taong pagkakakulong o multang hindi bababa sa P40,000 ang parusa.


Maaari ding maharap ang salarin sa paglabag sa RA 11479 O Anti-Terrorism Act of 2020 na may kulong na 12 taon.

Matatandaan nuong Byernes nagpadala ng email ang isang Takahiro Karasawa na nagsasabing may sasabog na bomba sa MRT na agad namang pinabulaanan ng management ng MRT kung saan patuloy sa pagtunton ang mga awtoridad kung sino ang nagpakalat ng hoax bomb threat.

Facebook Comments