Determinado ang Philippine National Police (PNP) na makamit ang 100% drug-free Philippines.
Ito ang binigyang diin ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil makaraang masabat ng mga awtoridad ang dalawang toneladang shabu na nagkakahalaga ng ₱13.3 bilyon sa Alitagtag, Batangas kahapon ng umaga.
Nabatid na ito ang pinakamalaking drug shipment na nasawata ng mga awtoridad sa kasaysayan.
Ayon kay Marbil ang nasabing tagumpay ay isang patunay ng pagiging epektibo ng anti-illegal drug operations sa bansa.
Aniya, mananatili paring determinado ang buong hanay ng pulisya na alisin ang salot na iligal na droga sa bawat komunidad.
Kasunod nito, nananawagan ang liderato ng PNP ng kooperasyon mula sa publiko upang maisakatuparan ang minimithing “drug-free” Philippines sa mga susunod na taon.