Pnp, Naalarma Sa Paglobo Ng Bilang Ng Mga Pulis Na Nagpositibo Sa Paggamit Ng Ilegal Na Droga

12

MANILA – Naaalarma na ang Philippine National Police (PNP) sa paglobo ng mga pulis na nagpo-positibo sa paggamit ng iligal na droga.Sa datos ng PNP Crime Laboratory mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon sumampa na sa 174 na tauhan ng pnp ang kumpirmadong gumagamit ng bawal na gamot.Ayon kay PNP Crime Laboratory Dir. Chief Supt. Aurelio Trampe, batay sa isinagawa nilang mandatory drug testing sa higit 159,000 PNP personnel sa buong bansa, lumalabas na 164 dito ay kinabibilangan ng mga pulis habang non-uniformed personnel ang ibang nagpositibo.Sinabi ni Crime Lab Deputy Dir. For Administration Ligaya Sim, ito na ang pinakamaraming bilang ng pulis na nagpositibo sa drug test sa loob ng pitong taon.Nilinaw nito na mas pinaigting nila ang drug testing sa pulis sa pagpasok ng Administrasyong Duterte.Bukod dito, wala rin anyang sapat na budget ang PNP noong mga nakalipas na taon para isailalim sa drug test ang lahat ng pulis sa bansa.

Facebook Comments