PNP, nabiktima raw ng propaganda sa isyu ng extrajudicial killings

Manila, Philippines – Katulad ng ibang opisyal ng administrasyon, nanggagailiti si PDG Ronald Dela Rosa, kapag tinatanong tungkol sa mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.

Ayon kay Dela Rosa, biktima sila ng propaganda nang ideklara ng mga kritiko ng administrasyon na EJK ang lahat ng mga kaso ng napapatay sa war on drugs.

Depensa ni PNP Chief, walang EJK batay sa definition nito sa ilalim ng Administrative Order 35 na ipinalabas ng dating administrasyon.


Masasabi lamang na may kaso ng EJK kung ang biktima ay miyembro mg cause oriented group o media.

Nagbiro pa ito ng sabihing hindi miyembro ng cause oriented group ang mga napapatay sa mga anti-drug operation.

Maliban lamang kung nagtayo na ang mga ito ng organisasyon na samahan ng mga nagsa-shabu sa Pilipinas.

Facebook Comments