PNP nag-deploy ng mga pulis sa mga simbahan, kasabay ng pagsisimula ng simbang gabi

Bantay sarado ng Philippine National Police (PNP) ang mga matataong lugar sa bansa partikular na ang mga simbahan.

Kasunod ito ng pagsisimula ng siyam na araw na simbang gabi bago ang Pasko.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, prayoridad nilang siguruhin ang kaligtasan ng lahat ng deboto na nakikiisa sa sagradong tradisyon.


Ani Marbil, sapat na bilang ng mga pulis ang kanilang ipinakalat sa mga simbahan para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa buong panahon ng simbang gabi.

Mayroon din aniyang mga Police Assistance Desk malapit sa mga simbahan at may ipinakalat din silang foot at mobile patrols sa mga strategic areas, tulad ng public transport terminals, mga pampublikong pamilihan, malls atbp.

Naka-heightened alert narin ang Pambansang Pulisya upang tiyakin na mapipigilan ang anumang bantang pangseguridad ngayong holiday season.

Facebook Comments