Nagkaloob ang Philippine National Police (PNP) ng ₱3-M halaga ng relief goods sa mga pulis at residente sa mga rehiyon na apektado ng nagdaang bagyo.
Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda, ito ay sa pamamagitan ng kanilang “Adopt a region program.”
Ani Acorda patuloy ang paghahatid nila ng tulong sa Cagayan, Ilocos Region, Benguet, Abra, Tarlac at Pangasinan na lubhang naapektuhan ng Bagyong Egay at habagat.
Aniya, committed ang PNP sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong rehiyon, kung saan kasalukuyang naka-deploy ang 200 search and rescue teams ng PNP bilang bahagi ng relief operations ng pamahalaan.
Facebook Comments