PNP NAG IIMBESTIGA NA KUNG SINO ANG KASABWAT NG LALAKING NAHULIAN NG MAHIGIT DALAWANG MILYONG PISONG HALAGA NG SHABU

Kasalukuyan ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa kung sino-sino ang mga posibleng kasabwat ng lalaking nahulihan ng mahigit dalawang milyong pisong halaga ng shabu sa bayan ng Lingayen.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz, inaalam na nila ngayon kung saan at kanino kumukuha ang nasabing suspek ng shabu na dinadala sa Pangasinan.
Paglilinaw ng opisyal, hindi taga Pangasinan ang suspect at hindi din taga Pangasinan ang mga parokyano nito base sa kanilang imbestigasyon.

Sinasabing ginagawang lugar lamang aniya ng transaksyon ang lalawigan ng Pangasinan ng mga ito kung kayat patuloy ang monitoring.
Napansin aniya ng mga otoridad na labas pasok ng probinsiya ang suspect dahilan upang magsagawa sila ng imbestigasyon na humantong sa nasabing buy bust operation.
Samantala kinumpirma naman ni Capt. Dela Cruz na may nauna ng mga kaso na may kinalaman sa illegal drugs ang suspek at sa katunayan ay kakalabas lamang nito at nakapag piyansa lamang. |ifmnews
Facebook Comments