PNP, nag-isyu na ng full alert status sa mga rehiyon na maaapektuhan ng Bagyong Tino

Nag-isyu na ng full alert status ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng mga rehiyon na matatamaan ng Bagyong Tino sa bansa.

Sa pulong pambalitaan na ginanap sa Kampo Crame, sinabi ng Executive Officer ng Directorate for Police Community Relations o DPCR na si Jessie Tamayao na naka-full alert na ang ahensya sa region 8,6,4B, Negros Island Region, southern part ng Region 5 at Northern part ng Region 13 partikular na sa Dinagat Island at Surigao Del Norte.

Ayon sa ahensya, automatic na ina-activate ang lahat ng disaster response, regional police offices at stations sa bansa kapag mayroong mga ganitong uri ng sakuna kung saan nakiki-pagugnayan na rin ang mga ito sa mga local disaster risk reduction and management offices.

Dagdag pa nila, parte ng preparasyon ang pagkakaroon ng preemptive evacuation sites lalo na sa mga residenteng malalapit sa baybayin.

Facebook Comments