PNP, nagbababala laban sa maghahasik ng karahasan sa pagsisimula ng local campaign period, bukas

Bago umarangkada ang local campaign period bukas, nagbabala si Philippine National Police Chief Gen. Rommel Francisco Marbil laban sa anumang karahasan upang guluhin ang demokratikong proseso ng halalan.

Bilang paghahanda sa campaign period, inatasan ni Gen. Marbil sa lahat ng regional, provincial, city at municipal police commanders na pangunahan ang pagpapanatili ng mapayapa at maayos na halalan.

Inatasan din ang mga pulis na maging handa at maagap sa pagresponde sa anumang banta ng karahasan na may kinalaman sa halalan.


Pinaigting din ang nationwide security operations, kung saan tutok ng pulisya ang mga tinaguriang “election hotspots” at mga lugar na may matinding alitan sa pulitika.

Mayroon ding dagdag na police presence, intelligence monitoring, at pakikipag-ugnayan sa Commission on Elections (COMELEC) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang masiguro ang seguridad ng eleksyon.

Kasunod nito, muli rin pinaalalahanan ni Marbil ang mga pulis na umiwas sa anumang pagkakasangkot sa partisan politics at mahigpit na binalaan ang sinumang lalabag sa election protocols.

Facebook Comments