Nagbabala ang Philippine National Police (PNP), laban sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na mapapatunayang nakikipagsabwatan sa mga Communist Terrorist Groups.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., mahigpit nilang binabantayan sa ngayon ang mga kandidato na lalabag sa Omnibus Election Code.
Kabilang dito, ang pagbabayad ng tinatawag na “permit to campaign” sa mga rebelde sa sandaling umarangkada na ang campaign period simula bukas, Oktubre a-19 hanggang a-28.
Bukod dito, tinututukan din ng PNP ang vote buying o pamimili ng boto ng mga kandidato.
Batay sa pinakahuling datos ng PNP, umaabot n sa 356 na barangay sa buong bansa ang isinailalim sa Red Category habang nasa 1,325 mga barangay ang inilagay sa Orange Category at 1,196 ang nasa ilalim ng Yellow Category.