
Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kabilang ang mga pulis na masasangkot sa ilegal na sabong sa gitna ng ipinatutupad na quarantine measures.
Kasunod ito ng pagkaka-aresto sa diumano’y retired general at police personnel sa isang raid sa illegal cockfighting activity sa Batangas City kahapon.
Ayon kay PNP Spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, patuloy ang isinasagawang internal cleansing ng PNP at sinuman sa hanay na mahuhuling lumabag sa batas ay tiyak na paparusahan.
Apela naman ng opisyal sa publiko, sundin ang umiiral na batas at iwasan ang mga pagtitipon.
Facebook Comments









