PNP, nagbabala sa bagong Cyberporn Modus  

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa bagong Cyberporn Modus.

Sa Modus, aalukin ang mga mabibiktima ng 10,000 hanggang 15,000 Pesos na kita pero hihingan ang mga ito ng sexy photo.

Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group Deputy Spokesperson, Police Capt. Jeck Gamat, delikado ang pumatol sa mga ganitong klaseng modus.


Payo ng PNP-ACG sa mga aktibo sa Social Media, iwasan o i-report ang mga ganitong mga mapanlinlang na pages.

Dapat ding gabayan ng mga magulang ang aktibidad sa Social Media ng kanilang mga anak.

Facebook Comments