Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa iba’t ibang modus ng mga kriminal habang papalapit ang panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay PcSupt. Dionardo Carlos ng PNP PIO, mga kaso ng nakawan ang kalimitang dumarami sa ganitong panahon.
Sinabi ni Carlos na sa pulong ng PNP National Oversight Committee on Managing Police Operations na pinangungunahan ni PDDG for Operations Fernando Mendez , Jr, kabilang sa mga modus na mga ito ay ang gawain ng mga miyembro ng:
Salisi Gang;
Bespren Gang;
Dura-dura gang;
Laslas bag-bulsa gang;
Pitas gang;
Laglag barya;
Ipit taxi;
At tutok kalawit sa mga kabataan.
Kailangan na sa panahon na ito ay dapat maging listo ang lahat upang hindi masingitan ng mga kawatan.
Kalimitan umanong kumikilos ang mga ito bilang grupo kung hindi man sa mga pampublikong sasakyan ay sa mga matataong lugar.