Manila, Philippines – Kasunod ng ibat ibang kilosprotesta ngayong selebrasyon ng Labor Day…mahigpit ang pagbabantay na ginagawang Philippine National Police.
Sa interview ng RMN kay NCRPO Dir. Oscar Albayalde –sinabi nito na matapos ang ASEAN Summit ay hindi na sila nagbaba ng alerto parasa labor day kung saan kanilang ginamit ang mga contingent ng region-3 at 4.
Partikular na tinututukan ngayon ng PNP ang sentro ngkilos protesta sa lungsod ng Maynila at Quezon.
Kasabay nito, nilinaw ni Albayalde na kahit pinayagangmakapagrally ang ibat ibang grupo ng walang permit, maaari pa rin aniya silangdamputin at hulihin sa kanilang lumabag sila sa batas.
Sa ngayon ay wala pa namang naitatalang anumang insidenteng kaguluhan ang PNP.
PNP – nagbabala sa mga grupong manggugulo ngayong araw ng paggawa
Facebook Comments