Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na hindi makakaligtas sa batas ang sinumang iligal na bibili ng mga COVID-19 vaccines.
Ayon kay Eleazar, hindi dapat pagkakitaan ang bakuna lalo na sa panahon ng pandemya kung kaya’t tinitiyak niyang mananagot ang mga mahuhuling nagbebenta.
Giit ni Eleazar, hindi naman maglalakas loob ang mga ito na magbenta kung wala ring mga bumibili.
Kaugnay niyan, nanawagan ang pinuno ng pambansang pulisya na makipagtulungan sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sakaling may alam sila na ganitong kalakaran.
Matatandaang kamakailan ay tatlong indibidwal ang nahuli sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y iligal na pagbebenta ng bakuna.
Isang nurse, medical technologist at Chinese national ang naaresto matapos bentahan ang poseur buyer ng 300 doses ng Sinovac vaccines na nagkakahalaga ng ₱840,000.