PNP, nagbabala sa mga malisyosong nagpapakalat ng mga larawan ng PNP Chief na umano’y nag-party kahit may community quarantine

Mariing tinuligsa ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang malisyosong pagpapakalat ng larawan ni PNP Chief Archie Gamboa habang nasa isang private event sa Makati City.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, binabalaan nila ang publiko at sinumang indibidwal na nagpapakalat ng mga maling impormasyon lalo’t makikita sa larawan na mga pribadong indibidwal ang kasama ni Gamboa.

Ang larawan ay kuha umano noon pang Pebredo, 2020 at hindi sa panahon na may community quarantine.


Ang babalang ito ay ginawa ng PNP matapos na i-post sa website ng Philippine Star ang larawan ni PNP Chief kasama ang mga pribadong indibidwal at pinalalabas na ito ay kuha sa party sa Baguio City nito lamang nakaraang Linggo.

Banta ng PNP, mahaharap sa kasong kriminal partikular ang paglabag sa Republic Act 10175, o the Anti-Cybercrime Law ang sinumang indibidwal na nagpapakalat nito sa social media.

Facebook Comments