PNP, nagbabala sa mga nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa POGO na sinalakay sa Las Piñas City

Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang mga nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa raid na isinagawa ng PNP sa isang POGO sa Las Piñas noong nakaraang linggo na maaring lumalabag sila sa batas.

Sa isang pahayag binigyang diin ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Red Maranan ang kahalagahan ng responsableng pagpapakalat ng impormasyon.

Pinayuhan naman ni BGen. Maranan ang publiko na umasa lang sa beripikadong impormasyon mula sa mga mapapagkatiwalaang source.


Kasabay nito tahasang itinanggi ni Maranan ang mga ulat tungkol sa umano’y biktima ng stray bullet sa loob ng ni-raid na compound; at nilinaw na agad na binigyan ng medikal na atensyon ng PNP at Las Piñas Medical Teams ang mga nasaktan sa pagtatangkang tumawid sa isang barbed wire fence.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na tuloy-tuloy ang pag-proseso sa mga dayuhang empleyado ng naturang POGO, para masala ang mga ito ng husto at masiguro na walang mga “wanted person” ang nagtatago sa bansa, at hindi sangkot sa kriminal na aktibidad ang mga tauhan ng POGO.

Facebook Comments