Iimbestigahan, tatanggalin sa pwesto at sasampahan ng reklamo.
Ito ang gagawin ng Philippine National Police (PNP) sa mga pulis na mapapatunayang nakikisawsaw sa politika.
Ayon kay PNP Chief Police Lt. Gen. Dionardo Carlos, mahigpit ang bilin niya sa mga pulis na huwag mangampanya.
Alam niya raw may mga dati at retiradong pulis na tatakbo sa local at national positions.
Paliwanag ni Carlos, bawal mangampanya sa social media dahil dapat silang maging professional sa kanilang trabaho.
Pero, kanyang sinabi na kung maglalahad naman ng personal na opinyon ang isang pulis at maayos naman ang pamamaraan nito ay kanila itong igagalang.
Facebook Comments