PNP, nagbabala sa publiko hinggil sa mga pekeng crypto investment

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko sa paglalagay ng pera sa mga pekeng crypto investment o mga scam.

Ito ay kasabay na rin ng panahon na nakatatanggap na ng bonus at 13th month pay ang mga empleyado at naghahanap ng mapaglalagyan ng pera.

Ayon kay Police Brig. Gen. Joel Doria, hepe ng ng PNP-Anti-Cybercrime Group, nagiging mahusay na rin ang mga scammer na gumawa ng modus na madaling mapasusunod ang mga potensyal na biktima.


Dagdag pa ng opisyal, isa sa modus ng crypto scammer ay ang pag-uudyok sa mga potential investor na mag-download ng isang crypto app.

Dito ay ma-o-obliga ang biktima na magpasok ng pera kapalit ng kita sa kanilang digital wallet.

Pero kalaunan ay mawawala na ito at hindi na marerekober pa ang pera.

Kaya’t dahil dito, pinapayuhan ng PNP ang publiko na mag-ingat at siguraduhin amg anumang papasukin o planong paglagakan ng pera upang hindi masayang amg pinagpaguran.

Facebook Comments