PNP, nagbabala sa publiko hinggil sa pagkakalat ng fake news

Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba, ang publiko hinggil sa kasong kanilang kakaharapin hinggil sa pagkakalat ng fake news.

Ayon kay PBGen. Alba, nakasaad sa Article 154 ng revised penal code na inamyendahan ng Republic Act 10951 na krimen ang pagkakalat ng impormasyon na makakasama sa public order o makakasira sa interes ng estado.

Aniya, ang mga mahuhuling magpapakalat ng fake news ay mahaharap sa aresto mayor o isa hanggang 6 na buwang pagkakulong, at multa na ₱40,000 hanggang ₱200,000.


Samanatala, sinabi naman ni PNP Anti-Cybercrime Group Director Police Brig. General Joel Doria na palalakasin ng kanilang hanay ang cyberpatrolling at beberipikahin ang lahat ng mga video at ulat tungkol sa krimen na kanilang matutuklasan.

Kasabay nang pagtitiyak na ang mga lehitimong report ng krimen ay agad aaksyunan ng pambansang pulisya.

Ang paalala ay ginawa ng PNP kasunod nang pagsulpot sa social media ng mga ulat tungkol sa krimen na ang iba ay recycled o di naman kaya ay fake news.

Facebook Comments