PNP, nagbigay na ng ultimatum sa mga supporters ng KOJC na alisin ang mga barikada sa highway ng Davao City

Nagpapatuloy ang negosasyon sa panig ng Police Regional Office 11 at ng mga kinatawan ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na alisin na o i-clear ang pangunahing highway sa Davao City.

Sa press briefing sa Kampo Krame, sinabi ni PNP PIO Chief at Spokeperson Col. Jean Fajardo na hangga’t maaari ay ipatutupad ng PRO-11 ang maximum tolerance upang tanggalin na ang mga ibinarikada at ibinalagbag na mga pribadong sasakyan, at mga truck upang mapakinabangan na ng mga motorista ang pangunahing highway na patungo ng Davao airport.

Umapela rin ang PNP sa lokal na pamahalaan upang mabuksan na ang pangunahing highway.


Nilinaw ni Fajardo na sakaling walang marating ang isinasagawang negosasyon ay mapipilitan ang PNP na alisin ang barikada sa pamamagitan ng pwersa na alinsunod sa batas.

Ayon kay Fajardo, walang plano ang PNP na gumamit ng tear gas sa pagtatanggal ng barikada sa highway sa Davao City.

Facebook Comments