PNP, nagbigay ng last minute reminders sa mga bibiyahe ngayong Semana Santa

Muling pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng mga biyahero at mga bakasyunista na unahin ang kaligtasan at maging maingat sa paglalakbay.

Paalala ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa mga magmamaneho ng kanilang sasakyan na sundin ang mga batas trapiko at tiyaking nasa maayos na kondisyon ang sasakyan bago bumiyahe.

Para naman sa mga commuters, pinapayuhan ang lahat na maging mapagmatyag sa mga terminal at pampublikong lugar, bantayan ang mga gamit, at agad na i-report sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Ani Marbil, mananatiling naka-alerto ang PNP sa buong panahon ng Kwaresma kung saan bukas ang mga help desks at assistance centers sa buong bansa upang tumugon sa anumang pangangailangan o emergency.

Facebook Comments