Namahagi ng relief goods ang Philippine National Police Regional Office Region 11 sa mga naapektuhan ng landslide sa Davao Oriental.
Sa impormasyon ni PRO 11 Director PBGen. Alden Delvo sa Kampo Krame, sinabi nitong ginamit ang asset ng PNP Air Unit upang maihatid ang saku-sakong mga relief goods.
Kabilang dito ang 12 sako ng 25kg ng bigas, dalawang sako ng mga damit, apat na kahon ng mga de lata, tatlong kahon ng instant coffee, 20 kahon ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), 20 kahon ng samu’t saring mga gamot, dalawang kahon ng mga instant noodle at dalawang water filters.
Ipinamahagi ang mga ayuda sa Lupon Oval Sports Center sa Sitio Tionbocan, Davao Oriental kung saan laking tuwa naman ng mga benepisyaryo.
Kasunod nito, nangako ang PNP PRO 11 na magtutuloy tuloy ang pagtulong nila sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.