Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa CALABARZON PNP na magdagdag pa ng mga tauhan sa Batangas.
Ito ay para tumulong sa paglilikas ng mga residente sa lalawigan ng Batangas na lubhang na apektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Inatasan na rin niya ang mga police commander na makipag-ugnayan sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office upang alamin ang iba pang mga pangangailangan ng mga apektadong residente.
Nakiusap naman si Eleazar sa mga apektadong residente na sumunod sa ipinatutupad na mga alituntunin para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Tiniyak niyang patuloy na nakatutok ang PNP sa sitwasyon sa Batangas at nakahandang umalalay at magpaabot ng mga kinakailangang tulong sa panahong ito ng kalamidad.