PNP, nagdaos ng Inter-Agency Conference para sa FIBA Basketball World Cup

Nagkaroon ng final Inter-Agency Conference ng Philippine National Police (PNP) para sa FIBA Basketball World Cup 2023 kasama ang iba’t ibang stakeholders.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Michael John Dubria na tumatayong overall supervisor ng FBWC 2023, maliban sa pagbibigay ng seguridad para sa mga delagado, nakatutok din ang PNP sa ibang aspeto ng FIBA Basketball World Cup.

Aniya, kasama sa kanilang prayoridad ang crowd management, emergency response, traffic control at pagpapatupad ng public health measures.


Ani Dubria, mahalaga ang solidong security strategy para maging maayos ang pagdaraos ng FIBA World Cup sa bansa.

Paliwanag pa ng opisyal, pagkakataon kasi ito para maipamalas ang kakayahan at galing ng bansa sa pagraoas ng isang world class event.

Base sa tala, 2,589 na pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 363 pulis mula Police Regional Office 3 at 2,904 force multipliers ang gagamiting pwersa para sa FIBA.

Facebook Comments