
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, nagsagawa ng deployment ang 102nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) upang magbigay ng seguridad sa mga simbahan at mga karatig-lugar sa panahon ng Simbang Gabi.
Sa pangangasiwa ni PCPT Oliver L. Gaspar, Officer-in-Charge ng nasabing yunit, pinaigting ang police visibility sa pamamagitan ng regular na pagpapatrulya at masusing pagbabantay sa mga lugar na dinadagsa ng mga mananampalataya.
Nakipag-ugnayan din ang mga pulis sa mga opisyal ng simbahan at sa pamayanan upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdaraos ng mga misa.
Layunin ng RMFB1 na matiyak ang ligtas, mapayapa, at maayos na pagsamba ng publiko, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan kung kailan inaasahan ang pagdami ng mga nagsisimba.
Patuloy ang PNP sa pagtupad sa kanilang mandato na pangalagaan ang buhay at ari-arian ng mamamayan at maglingkod sa sambayanan, bilang bahagi ng kanilang responsibilidad sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









