Maagang sinimulan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang paghahanda para sa 2025 midterm elections.
Ayon kay PNP-Public Information Office (PIO) chief Police Colonel Jean Fajardo, nagkaroon na sila ng inisyal na pulong kasama ang Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na eleksyon.
Aniya, masusundan pa ito para masiguro na mapapababa ang bilang ng election related incidents (ERIs) sa 2025 elections.
Paliwanag ni Fajardo, nagkaroon kasi ng bahagyang pagtaas sa bilang ERI nitong nakalipas na eleksyon.
Samantala, sinabi naman ni Fajardo na magkakaroon sila ng command conference sa March 4 kaugnay naman sa pagdaraos ng plebisito sa Marawi.
Tinitignan kasi ang posibilidad na pagsabayin na ang 2025 midterm elections sa pagdaraos ng plebesito.