PNP, naghahanda sa anumang pag-atake ng NPA

Handa ang Philippine National Police (PNP) sa anumang pag-atakeng ikakasa ng New People’s Army (NPA).

Ito ay kasabay ng founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong araw.

Ayon kay PNP spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac – naka-alerto ang buong kapulisan na tumugon sa mga posibleng opensa ng rebeldeng komunista.


Pero iginiit ni Banac na patuloy na iginagalang ng PNP at inoobserbahan ang suspension of offensive police operations, alinsunod sa ipinapatupad na ceasefire.

Ang 16-day ceasefire ay magtatapos sa January 7 na pinagkasunduan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP.

Facebook Comments