PNP, naghahanda sa muling pagbubukas ng frontline services

Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa muling pagbubukas ng kanilang mga frontline administrative services tulad ng pagproproseso ng mga permit, lisensya at clearance.

Ito ay makaraan na pansamantalang itigil ng mahigit dalawang buwan dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, mahigpit na oobserbahan ng PNP ang guidelines ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa kanilang mga tanggapan na nagkakaloob ng administrative services sa publiko.


Kinabibilangan ito ng mga Firearms and Explosives Office (FEO), para sa lisensya ng baril at permit to carry; Supervisory Office for Security and Investigative Agencies (SOSIA), para sa lisensya ng mga security guard at security agencies; Highway Patrol Group (HPG) para sa mga clearance sa sasakyan.

Sinabi ni PNP chief, ang lahat ng city at municipal police stations ay magbubukas na rin para sa pag-isyu ng local police clearance.

Facebook Comments