PNP, naghihintay pa sa ilalabas na warrant of arrest ng korte para madakip ang isa pang suspek na nasa likod ng pamamaslang sa mamamahayag na si Cris Bunduquin

Hindi pa nadarakip sa ngayon ang nakatakas at natukoy na isa pang suspek sa pagpaslang sa brodkaster na si Cresenciano Bunduquin na pinatay noong May 31 sa Brgy. Sta. Isabel sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBgen. Red Maranan, naghihintay pa kasi ang Philippine National Police (PNP) na maglabas ng arrest warrant ang korte upang madakip ang pinangalanang gunman sa krimen na si Isabelo Bautista Jr., taga Bansud, Oriental Mindoro.

Matatandaang nitong June 9 sinampahan ng kasong murder at attempted murder ang naturang suspek.


Kung maalala nasawi ang kasabwat ni Bautista sa krimen na si Narciso Guntan nang habulin ito ng anak ni Bunduquin at mahulog sa motorsiklo’t nagtamo ng head injury.

Facebook Comments