Nagkasa ang Philippine National Police (PNP) ng manhunt operation laban sa mga suspek ng pananambang kay Datu Montawal, Maguindao del Sur Mayor Ohto Caumbo Montawal sa Pasay City.
Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, nakatutok na ang PNP Station Special Investigation Team upang tugisin ang mga salarin at tukuyin ang motibo sa krimen.
Dagdag pa ni Abalos, may ilang testigo na ang lumutang upang magbigay ng kanilang salaysay na posibleng magbigay-linaw sa kaso.
Sa ngayon, nasa maayos nang kondisyon si Montawal habang pinaigting ang seguridad sa alkalde habang ito ay nagpapagaling sa ospital.
Samantala, nagsasagawa na ng threat assessment ang PNP sa mga opisyal ng gobyerno lalo na yung mga nakatatanggap ng banta sa kanilang buhay upang agad silang masabihan na higpitan ang kanilang seguridad.