PNP, naglabas na ng direktiba para ipatupad ang pagpapasara sa lahat ng gaming operations sa ilalim ng PCSO

Ipinatutupad na ang Philippine National Police (PNP) sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang lahat ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde – naglabas na siya sa direktiba sa lahat ng kanyang regional directors para ipatupad ang kautusan ng Pangulo.

Madali lang din aniya na tukuyin ang mga collection stations na may prangkisa o lisensya mula sa PCSO.


Tingin din ni Albayalde, wala silang nakikitang problema sa pagpapahinto at pagpapasara sa mga lotto at keno stations outlet lalo na sa mga eskinita.

Hindi rin itinatanggi ng PNP na may nangyayaring katiwalian sa ilalim ng mga ganitong operasyon.

Nanawagan din ang PNP sa publiko na suportahan ang bagong direktiba ng Pangulo upang masugpo ang korapsyon at malinis na pamahalaan.

Facebook Comments