PNP, naglatag ng seguridad para sa Eid’l Fitr

Kasado na ang seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ng mga kapatid nating Muslim bukas, April 10, 2024.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, mayroon silang ipinatutupad na security measures partikular na sa area of activities and festivities.

Layun aniya nito na masiguro na magiging ligtas ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.


Ani Fajardo, nagdagdag na sila ng mga tauhan sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad na may kaugnayan sa selebrasyon ng Eid’l Fitr.

Ang Eid’l Fitr ay isang Islamic holiday na sumisimbolo sa pagtatapos ng isang buwang Ramadan o pag-aayuno ng mga kapatid nating Muslim.

Facebook Comments