PNP nagluluksa rin sa pagkamatay ni Bangsamoro Transition Commission Chairman Ghazali Jaafar

Maging angĀ  buong hanay ng Philippine National Police ay nagluluksa rin sa pagkamatay ni Bangsamoro Transition Commission Chairman Ghazali Jaafar.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac si Chairman Jaafar ay partner ng gobyerno sa pagsulong ng pang matagalang kapayapaan sa Mindanao.

 

Magsisilbi aniyang inspirasyon sa PNP ang pagiging dedicated nito sa pagsulong ng kapayapaan lalo na ang suporta nito para ma-ratified ang Bangsamoro Organic Law.


 

Nakikiramay naman ang PNP sa mga kaibigan at pamilya ni Chairman Jaafar.

 

Sa report ng PNP si Chairman Jaafar ay namatay pasado ala una ng madaling araw kanina saĀ Ā  Metro Davao Medical And Research Center sa , Bajada,Davao City dahil sa sakit na colon cancer.

Facebook Comments