PNP, nagpaabot ng pagbati sa INC

Binati ng Philippine National Police (PNP) ang Iglesia ni Cristo (INC) para sa kanilang ika-110 anibersaryo ngayong araw.

Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, umaasa ang PNP na mas mapapalakas pa ang ugnayan at pakikipagtulungan sa INC para sa isang ligtas at maayos na lipunan.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “People of God should continue to please Him,” na ayon kay Gen. Marbil ay magsisilbing malalim na paalala sa misyon ng PNP na maging God-centered, service-oriented at family-based public servants.


Aniya, sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng prinsipyong ito, hindi lamang mapapalakas ang kanilang personal at professional growth kundi mag-aambag din ito ng malaki sa kabuuang misyon ng PNP.

Facebook Comments