Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine National Police (PNP) para sa naulilang pamilya ni dating Manila Mayor Alfredo Lim.
Sa inilabas na statement, inihayag ng PNP ang lubos nitong pasasalamat sa iniwang “legacy of efficiency” ni Lim na magsisilbi nilang “standard of performace” sa police service.
Ang undying words ni Lim na “the law applies to all, otherwise, none at all” ay nagpapaalala sa mga pulis na sila ay nabubuhay sa ilalim ng rehimen ng batas kung saan ang batas ang pinakamataas at walang sinuman ang nasa itaas nito.
Si Lim na isang retired general ng PNP ay nagsilbi ring kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), naging director ng Manila Police District, National Bureau of Investigation at nagsilbing alkalde ng maynila sa loob ng dalawang termino.