PNP, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng 4 na pulis na namatay sa road accident sa Iloilo

Nakikiramay ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa pamilya ng apat na pulis na namatay matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan sa Brgy. Ginomoy, Alimodian, Iloilo.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, na bukod sa pakikiramay inutusan na rin ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang PNP Health Service at Police Regional Office 6 na tiyaking matutukan ang pagpapagamot sa 26 pang pulis na nasugatan naman sa nangyaring aksidente.

Matatatandang 35 pulis na miyembro ng 601st Company ng 6th Regional Public Safety Battalion ang nadisgrasya nitong sabado apat nga rito dead on arrival sa ospital.


Pabalik na sana sila sa Company Headquarters mula sa pagsasagawa ng combat operation nang mangyari ang aksidente.

Payo naman ni Gamboa, sa lahat ng mga pulis na maging maingat sa kalsada para makaiwas sa disgrasya.

Facebook Comments