PNP, nagpaalala sa mga PNP units matapos makatakas ang 15 bilanggo sa Caloocan City Hall Custodial Facility Unit

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Philippine National Police ang mga PNP unit na ipatupad ang mahigpit na seguridad sa mga detention facilites.

Ito ay matapos na makatakas ang 15 bilanggo sa Caloocan City Hall Custodial Facility Unit kaninang madaling araw.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Ysmael Yu, para hindi matakasan, kinakailangan nang mahigpit na security measures sa mga lock-up cells at temporary detention facilities ng mga Police Stations.


Inatasan na rin aniya ng pamunuan ng PNP ang mga Police Regional Offices na magsagawa ng periodic security survey sa lahat ng PNP detention facilities sa kanilang areas of responsibility.

Samantala, sinabi pa ni Yu na sa ngayon ay nakaalerto ang PNP sa Metro Manila para mahanap ang 13 sa 15 nakatakas na bilanggo matapos mahuli na ang dalawa sa mga ito.

Sila ay pansamantalang hiniwalay ng kulungan matapos na magpositibo sa COVID-19 rapid test at para sana isailalim sa confirmatory Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.

Facebook Comments