Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapakalat ng mga tauhan nito upang matiyak ang seguridad ng publiko sa Undas.
Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, naglabas na ng direktiba si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa lahat ng regional directors na maagang mag-deploy ng mga tauhan.
Maliban sa mga sementeryo, mahigpit ding babantayan ng mga pulis ang simbahan at mga pasyalan na pwedeng puntahan ng mga tao lalo na’t long weekend.
Ipinag-utos din ng National Headquarters ang maximum police presence sa mga terminal, paliparan at pantalan upang matiyak ang seguridad ng mga uuwi sa mga probinsya.
Matatandaang idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos bilang special non-working holiday ang October 31, araw ng Lunes.
Facebook Comments