Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan sa pagresponde sa mga mangangailangan ng tulong sa pananalasa ng Bagyong Marce.
Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, naka-stand by na ang kanilang search and rescue teams.
Ani Fajardo, gagamitin ito sa paglilikas ng mga residente sa mga delikadong lugar sa tulong na rin ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga apektadong lalawigan.
Dagdag pa nito, alam na ng mga field commander ang mga protocol sa tuwing may bagyo kaya kumpyansa sila sa mabilisang aksyon ng PNP.
Samantala, maliban sa Bagyong Marce, sinabi ni Fajardo na nananatili ang efforts ng Pambansang Pulisya sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang Bagyong Kristine at Leon.
Facebook Comments