
Mahigit 2,000 pulis ang ipakakalat para sa sa solidarity rally sa Davao region kasabay ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) Public Information Office, may kabuuang 2,337 PNP personnel ang ide-deploy sa mga aktibidad sa rehiyon.
Inaasahang kasing nasa 122,000 katao ang dadalo sa pagtitipon.
Sa Davao City, nasa 1,800 na mga pulis ang ikakalat.
Kasunod nito, tiniyak ng PNP na sapat ang bilang ng mga pulis na magbabantay sa rally para sa seguridad at kaligtasan ng lahat ng mga dadalo.
Facebook Comments