PNP, nagpaliwanag kung bakit sa Metro Manila lang nakataas ang heightened alert

Sentro kasi ng komersyo ang Metro Manila.

Ito ang naging paliwanag ni Philippine National Police – Public Information Officer (PNP-PIO) Chief PCol. Jean Fajardo kung bakit ang National Capital Region (NCR) lamang ang nasa heightened alert ngayon at hindi ang buong bansa.

Ani Fajardo, pag-iingat na rin ito matapos ang insidente nang pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City noong Linggo at bilang bahagi ng security measures ngayong holiday season.


Pero paliwanag ng opisyal, binibigyang laya naman ng PNP ang mga regional directors na magtaas ng alerto depende sa sitwasyon o tinatawag na security situation ng isang lugar.

Tanging ang Mindanao lamang ang nasa ilalim ngayon ng red alert matapos ang MSU bombing.

Kasunod nito, tinitiyak ng Pambansang Pulisya na on the top of the situation pa rin ang pamahalaan sa pagtitiyak ng seguridad at kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments