PNP, nagpaliwanag kung bakit sina SILG Abalos at PNP Chief Marbil ang sumundo kay Guo sa Indonesia

Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) kung bakit tila high level officials ang entourage at sumundo kay dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa Indonesia.

Ayon kay PNP Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, hawak kasi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local officials o mga alkalde sa bansa kung kaya’t andun mismo si DILG Secretary Benhur Abalos.

Dagdag pa ni Fajardo, ang DILG ang nagsampa ng kaso laban kay Guo sa Office of the Ombudsman kaya ito nasuspinde at talagang tinututukan ni Secretary Abalos ang kaso laban kay Guo dahil nais niya itong mapanagot dahil sa pagkakasangkot sa illegal POGO operations sa bansa.


Nasa Indonesia rin aniya si PNP Chief Rommel Francisco Marbil dahil ang kanilang counterpart na Indonesian Police ang nakasakote kay Guo.

Inaasahan mamayang gabi darating ang mga opisyal kasama si Guo lulan ng private plane kung saan ihaharap sa media sa Guo para sa isang press conference.

Facebook Comments