Inamin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi talaga nagtutugma ang kanilang crowd estimate sa mga organizer ng campaign rally.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, may ginagamit na ibang guidelines ang PNP sa bilang ng mga tao sa mga venue.
Paliwanag nya, 2 persons per square meter ang kanilang ginagamit na batayan sa pagbibigay ng crowd estimate at ito ang kanilang nilalagay sa mga report.
Kasunod nito, muling iginiit ni Carlos na walang kinikilingan ang mga pulis sa eleksyon.
Hindi rin umano sila makikisawsaw sa anumang isyu sa Pulitika dahil ang mandato nila ay ang pagbibigay ng seguridad at pagpaptupad ng kaayusan.
Facebook Comments