PNP, nagpamahagi ng mga “Go Bags” sa mga kapulisan bilang kahandaan sa mga sakuna

Nagpamahagi ang Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Police Brigaider General Randulf T. Tuaño ng mga “Go Bags” sa mga Public Information Office Personnel ng ahensiya.

Dahil na rin ito sa sunod-sunod na mga serye ng pagtama ng lindol sa buong bansa nitong nakaraang linggo.

Ang mga “Go Bags” na ito ay mayroong lamang first aid kits, emergency rations, tubig, flashlight, whistle at communication tools.

Layon ng pamamahagi ng mga “Go Bags” na masiguro na ang mga police officers ay handa para sa mabilis at ligtas na pagresponde sa panahon ng kalamidad.

Kaugnay nito, ang nasabing aktibidad ay nakalinya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos para palakasin ang kahandaan sa mga mangyayaring sakuna sa bansa.

Facebook Comments