PNP, nagpasaklolo sa publiko na tumulong upang madakip ang mga suspek na nasa likod nang pamamaslang sa isang abugado sa Abra

Humingi na ng tulong sa publiko ang Philippine National Police (PNP) upang matukoy at mahuli ang riding in tandem na pumatay sa isang abogado sa Bangued, Abra.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon sa kaso at sa katunayan ay nakakuha na sila ng kopya ng CCTV footages sa crime scene.

Makikita sa CCTV ang isa sa mga suspek na naglakad lamang papalapit kay Atty. Maria Saniata Liwliwa Alzate, pinagbabaril ito nang malapitan nang ilang beses atsaka sumakay sa motorsiklo at umalis.


Sa ngayon, palaisipan pa sa mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang sa abugada.

Facebook Comments